Matindi ang Pagbili ng SharpLink ng $76M sa Ethereum — Ngunit Nanatiling Mababa ang Presyo ng SBET Stock
Gumawa ng balita ang SharpLink Gaming, Inc. (NASDAQ: SBET) matapos itong bumili ng napakalaking halaga na $76 milyon na Ethereum (ETH) para sa kanilang corporate treasury. Sa isang matapang na hakbang na higit na naglapit sa kanila sa isang digital asset holding vehicle kumpara sa tradisyonal na gaming tech na kumpanya, bumili ang SharpLink ng higit sa 19,000 ETH sa loob lamang ng isang linggo—na nagdala sa kanilang kabuuang hawak sa halos 860,000 ETH. Dahil dito, napabilang ang kumpanya sa pinakamalalaking corporate holders ng Ether sa buong mundo. Ang acquisition na ito ay isang malinaw na senyales ng paniniwala ng kumpanya sa pangmatagalang halaga ng Ethereum at sa estratehikong paglipat nito upang maging aktibong kalahok sa blockchain economy.
Gayunpaman, sa kabila ng laki ng investment at ng patuloy na pagtaas ng halaga ng crypto treasury nito—na tinatayang lagpas na sa $3.5 bilyon—nanatiling hindi gumagalaw ang presyo ng stock ng SharpLink. Patuloy na nananatili sa mid-teens ang presyo ng SBET shares, malayo sa mga naabot nitong mataas na presyo noong una itong nag-anunsyo ng paglipat sa Ethereum ngayong taon. Ang disconnect sa pagitan ng mabilis na lumalaking digital asset holdings ng kumpanya at ng mababang presyo ng stock nito ay nagdulot ng pag-aalinlangan sa mga investors: ito ba ay isang nakatagong yaman na handang mag-rally, o isang babala tungkol sa hype na mas mabilis kaysa sa pundasyon?
Ano ang SharpLink Gaming, Inc. (SBET)?
Nagsimula ang SharpLink Gaming, Inc. bilang isang digital marketing at technology provider para sa industriya ng online sports betting at fantasy sports. Orihinal na nakatuon ang kumpanya sa pagtulong sa mga sportsbook na makakuha ng mga user gamit ang affiliate marketing, content syndication, at mga data-driven engagement tool. Nasa Minneapolis ang kanilang headquarters at pangunahing nagsisilbi para sa mga operator at media groups na naghahanap na pagkakitaan ang mga sports fans sa pamamagitan ng wagering content. Umaasa ang kanilang business model sa lead generation, mga white-label platform, at performance-based marketing partnerships.
Gayunpaman, noong 2025, sumailalim ang kumpanya sa isang dramatikong pagbabago. Matapos ang malaking recapitalization at pagbabago sa pamunuan, muling ini-position ng SharpLink ang sarili bilang isang digital asset treasury operator na nakatutok sa Ethereum. Ang paglipat na ito ay pinangunahan ng $425 milyong private placement round na pinamunuan ng ConsenSys—isang Ethereum infrastructure firm na co-founded ni Joseph Lubin, na ngayon ay nagsisilbing Chairman of the Board ng SharpLink. Mas ikinumpara na ngayon ng kumpanya ang sarili sa estratehiya ng MicroStrategy na Bitcoin-centric, ngunit sa Ethereum naman ang sentro. Ang ipinahayag na misyon ng SharpLink ay makapaghatid ng halaga sa shareholders sa pamamagitan ng disiplina sa pag-ipon ng ETH, staking, at iba pang yield-generating activities on-chain. Sa esensya, isa na itong malaking pampublikong kumpanya na may hawak na Ethereum mula sa pagiging sports betting affiliate.
Mula Kapital Hanggang Crypto: Paano Gumastos ng $76M ang SharpLink para sa Ethereum
Ang pinakahuling pagbili ng SharpLink ng Ethereum ay hindi lamang karaniwang pag-ipon—ito ay isang kalkuladong deployment ng sariwang kapital para patunayan ang kanilang pagkakakilanlan bilang isang crypto-centric na pampublikong kumpanya. Noong Oktubre 2025, nakalikom ang SharpLink ng $76.5 milyon sa pamamagitan ng direktang equity offering, naglabas ng 4.5 milyong shares sa presyo na $17 bawat isa. Ilang araw lang matapos iyon, ginamit ng kumpanya ang pondo para bumili ng 19,271 ETH sa average na presyo na $3,892, na siyang unang acquisition ng Ethereum nito sa mahigit isang buwan. Dinagdag ng pagbiling ito ang kanilang ETH holdings sa 859,853 ETH, na higit $3.5 bilyon ang halaga, bukod pa sa karagdagang $36M cash reserves.
Ngunit higit pa ito sa isang simpleng balance sheet maneuver. Binanggit ng pamunuan na ang transaksyon ay “agad-agad na nakapagpataas ng halaga para sa shareholders,” dahil nakalikom sila ng pondo sa presyo na mas mataas sa net asset value ng kumpanya at na-reinvest ito noong panandaliang bumaba ang presyo ng ETH. Hindi lang basta hawak ng SharpLink ang crypto—pinapagana nila ito. Halos lahat ng kanilang ETH ay aktibong naka-stake, gumagawa ng yield at sumusuporta sa proof-of-stake consensus mechanism ng Ethereum. Simula nang ilunsad ang treasury strategy ngayong taon, kumita na sila ng 5,671 ETH mula sa staking rewards—katumbas ng humigit-kumulang $22 milyon sa kasalukuyang presyo. Sa hinaharap, pinag-aaralan din ng SharpLink ang restaking protocols at maingat na DeFi strategies upang lalo pang mapalago ang yield, na nagpapakita ng kanilang layunin na maging hindi lang digital vault kundi aktibong kalahok sa Ethereum ecosystem.
Bakit Mababa Pa Rin ang Presyo ng SBET Stock
Kung isasaalang-alang ang laki ng hawak ng SharpLink sa Ethereum, maaaring asahan na makikita ito sa presyo ng kanilang stock. Ngunit hindi ito nangyayari. Sa kabila ng pagkakaroon ng mahigit $3.5 bilyong ETH, nananatili pa ring malapit sa mababang presyo nitong mga nakaraan ang SBET shares, nagtetrade sa paligid ng $14–$15. Malaki itong ibinagsak mula sa mataas na presyo ng stock nitong 2025, noong tumalon pa sa lagpas $45 ang SBET dahil sa excitement sa Ethereum pivot ng kumpanya. Sa katunayan, halos 90% ang ibinaba ng shares mula Mayo at higit 60% mula Hulyo, kahit pa matapos ang headline-grabbing na $76M na pagbili ng ETH.
So ano ang dahilan ng mababang presyo ng stock? Pinagsama-samang salik ang nagdudulot ng pag-aalangan ng mga investors. Una, naapektuhan ng epekto ng dilution mula sa paulit-ulit na equity raises ng SharpLink ang market sentiment. Ang pag-isyu ng milyon-milyong bagong shares para bumili ng ETH ay nagpalaki nga ng asset base ng kumpanya, ngunit nagresulta rin sa mas manipis na halaga para sa bawat shareholder. Pangalawa, may mga investors na nag-aalinlangan pa rin kung magagawa bang makapagdala ng matatag na kita o pangmatagalang paglago ng Ethereum treasury strategy ng SharpLink—kahit pa innovative ito. Hindi tulad ng tradisyonal na operating companies, higit nang kamukha ng crypto fund ang operasyon ng SharpLink ngayon, kaya’t mahirap itong pahalagahan sa konbensyonal na pamantayan.
Dagdag pa rito, ang volatility mismo ng Ethereum ang nagpapalabo sa sitwasyon. Habang pabago-bago ang presyo ng ETH kasabay ng sentiment ng buong crypto market, mabilis ding nagbabago ang net asset value—at stability perception—ng SharpLink. At kahit kumita na ng mahigit 5,600 ETH sa staking rewards ang kumpanya, hindi pa ito sapat upang matanggal ang pananaw na ang kapalaran ng SharpLink ay nakatali lang sa performance ng Ethereum market. Bukod pa rito, nababalanse ng kumpanya ang dalawang regulatory fault line: digital assets at ang kasaysayan nito sa online betting, na dahilan upang tila mag-ingat lalo ang mga tradisyonal na equity investors.
SBET Stock Price Prediction: Saan Ito Maaaring Pumunta?
Presyo ng SBET Stock
Source: Yahoo Finance
Sa halos 860,000 ETH na nakatala at market cap na nasa $2.7 bilyon, nagte-trade ang stock ng SharpLink na mas mababa kaysa sa halaga ng underlying assets nito—isang kakaibang sitwasyon sa public markets. Dahil dito, nagtatanong ang mga analyst at crypto investors kung undervalued, misunderstood, o sapat lang ba ang pag-iingat na ipinapakita ng SBET sa harap ng hindi pangkaraniwang estratehiya nito.
Ilang Wall Street firms ang nagsimula nang tutukan ang SBET, may price targets na nasa pagitan ng $30 hanggang $50, depende sa assumptions tungkol sa magiging presyo ng Ethereum at performance ng treasury yields ng kumpanya. Ang mga forecast na ito ay nagpapahiwatig ng malaking potensyal na pagtaas mula sa kasalukuyang level—higit 2x ng kasalukuyang trading range ng stock. Nakabatay ang karamihan ng bullish sentiment sa simpleng teorya: habang tumataas ang Ethereum, kasabay rin dapat ang SharpLink. May mga analyst pang tinawag itong “MicroStrategy ng Ethereum,” na inihahalintulad ang epekto ng pag-imbak ng MicroStrategy ng Bitcoin na kalaunan ay nagtulak din pataas sa stock value nito nang kinilala ito ng merkado bilang isang embedded na crypto exposure.
Sa technical side, nakapagtatag ang SBET ng short-term support malapit sa $13.50–$14 range, habang may resistance levels sa bandang $17.50 at $22, base sa post-raise trading volumes at mga nakaraang reversal points. Kapag tumaas ang presyo ng ETH sa lagpas $4,500—at nanatili—maaaring matest ng SBET ang matataas na range na ito. Kabliktara, kapag tuluyang bumaba ang Ethereum, posibleng maipit pa lalo ang stock, lalo na kung magdesisyon ang SharpLink na magtaas pa ng karagdagang kapital.
Mahalaga rin na tingnan na ang staking rewards at DeFi yield strategies ay posibleng maging mas makabuluhan sa paglipas ng panahon. Kung mapapatunayan ng kumpanya na hindi lang sila passive holder kundi active ETH yield optimizer, maaaring magsimulang mag-presyo ng premium ang mga investors para sa performance nito kaysa mag-discount para sa perceivable crypto risk.
Konklusyon
Ang transpormasyon ng SharpLink bilang isang crypto-centric treasury firm ay isang matapang at hindi karaniwang hakbang sa pampublikong merkado. Sa halos $3.5 bilyon sa Ethereum holdings, aktibong staking strategy, at ambisyon na dagdagan pa ang kita gamit ang DeFi protocols, malinaw na malaki ang pusta ng kumpanya sa ETH bilang pangmatagalang store of value at growth engine. Lalo pang pinatatag ng pinakabagong $76 milyon na pagbili ng ETH ang posisyon na ito. Subalit sa kabila ng laki ng kanilang digital na yaman, nananatiling mababa ang SBET stock—na nagpapakita ng pag-aalinlangan tungkol sa dilution, crypto volatility, at ang pangmatagalang kakayahan ng business model nito.
Para sa mga investor, ang SBET ay kumakatawan sa isang high-conviction na pusta sa Ethereum sa anyo ng equity, na may malaking upside potential lalo na kung sumirit ang crypto market o kung makapapakita ng malakas na treasury performance ang kumpanya. Ngunit nananatili ang mga panganib—lalo na sa sitwasyon ng volatility sa crypto market at sensitibong sentiment ng merkado. Habang patuloy na ginagampanan ng SharpLink ang papel nito sa hybrid space ng digital assets at public equities, maaaring nakasalalay sa kakayahan nitong kumbinsihin ang mga tradisyonal na investor na tingnan ang ETH hindi lang bilang speculative asset, kundi bilang isang strategic reserve na karapat-dapat tayaan.
Paalaala: Ang mga opinyon sa artikulong ito ay para lamang sa layunin ng pagbibigay ng impormasyon. Hindi ito isang pag-eendorso ng anumang produkto o serbisyo na natalakay o isang payo sa pamumuhunan, pananalapi, o trading. Kumonsulta sa kwalipikadong propesyonal bago gumawa ng anumang desisyong pinansyal.