Inanunsyo ngayon ng Trust Wallet, ang nangungunang self-custody Web3 wallet sa mundo na may higit sa 200 milyong user, ang paglulunsad ng tokenized real-world assets (RWAs)—na nagbibigay-daan sa madaling pag-access sa mga tokenized na bersyon ng U.S. stocks at ETFs para sa mga user sa buong mundo*.
Maari nang maghanap, mag-hold, at mag-swap ng mga tokenized RWAs* ang mga user na sumusubaybay sa presyo ng mga nangungunang equities at pangunahing U.S. ETFs. Ang mga token na ito ay pinapagana ng mga third-party provider sa pamamagitan ng smart contracts at idinisenyo upang sumalamin sa presyo ng underlying asset.
Sa paglulunsad na ito, sinuman na may smartphone ay maaaring magkaroon ng exposure sa mga iconic na stocks at ETFs direkta sa loob ng Trust Wallet—hindi na kailangan ng bank account, brokerage, o intermediary. Isang malaking hakbang patungo sa mas inklusibong kinabukasan ng pananalapi: kung saan ang access sa global markets ay hindi pribilehiyo, kundi isang pangunahing karapatan.
“Ang integrasyon ng RWAs sa self-custodial wallets ay isang mahalagang hakbang upang gawing mas bukas at episyente ang global finance. Ang mas malaking larawan ay kung paano dinemokratisa ng blockchain ang access sa financial markets at inilalatag ang pundasyon para sa mas inklusibong hinaharap ng pananalapi,” sabi ni Trust Wallet CEO, Eowyn Chen.
Ang Trust Wallet ay nagdadala ng RWAs sa mga self-custodial wallets. Source: Trust Wallet YouTube
Milyon-milyon sa buong mundo ang hindi makapasok sa tradisyonal na pananalapi, nahaharap sa maraming hadlang sa pag-access ng mga oportunidad sa pananalapi. Ngunit ngayon, sa ilang tap lamang sa Trust Wallet, sinuman ay maaaring mag-swap ng stablecoin tulad ng USDC para sa tokenized na bersyon ng TSLA, QQQ, o AAPL—agad-agad at direkta onchain.
Ang mga tokenized RWAs na ito ay pinapagana ng smart contracts at ini-issue ng mga third-party partners tulad ng Ondo Finance, na tinitiyak na ang mga token ay sumusubaybay sa presyo ng underlying asset nang may transparency at blockchain-based accountability. At upang magbigay ng seamless na karanasan, isinama ng Trust Wallet ang 1inch Swap API na idinisenyo upang gawing simple at ligtas ang RWA interactions.
“Ang Ondo Global Markets ay isang breakthrough sa financial access,” sabi ni Nathan Allman, Founder at CEO ng Ondo Finance. “Maari nang ma-access ng mga global investor ang pinakamalaking seleksyon ng tokenized U.S. stocks at ETFs onchain. Nakita natin kung paano in-export ng stablecoins ang U.S. dollar sa pamamagitan ng pagdadala nito onchain. Ngayon, ginagawa ng Ondo Global Markets ang parehong bagay para sa U.S. securities.”
Sa paglulunsad na ito, ang Trust Wallet ang naging unang self-custody wallet na nagbibigay ng access sa Tokenized RWAs cross-chain, simula sa Ethereum – na susundan pa ng karagdagang mga provider at network. Ito ay isa pang hakbang sa bisyon ng Trust Wallet na bumuo ng unang Web3 neo bank — kung saan sinuman, saanman ay maaaring gumamit ng mga global financial tools, mula DeFi hanggang RWAs, nang hindi isinusuko ang kontrol sa kanilang mga asset. Layunin ng Trust Wallet na maging self-custodial platform na nag-aalok ng lahat mula sa tokenized asset exposure hanggang staking, swaps, onchain identity, at marami pang iba.
Ang pagpasok ng Trust Wallet sa RWAs ay sumasalamin sa mas malaking pagbabago: kung saan ang mga ordinaryong tao ay may access sa parehong mga oportunidad na dati ay para lamang sa iilan. Higit pa ito sa isang product update—ito ay isang hakbang patungo sa sistemang pinansyal na gumagana para sa lahat, saanman.
“Naniniwala kami na ang access sa mga financial tool ay hindi dapat nakadepende sa heograpiya, intermediaries, o komplikadong mga sistema.” Dagdag pa ni Chen, “Kapag inilagay mo ang Wall Street sa bulsa ng bawat isa, binabago mo ang mga posibilidad—hindi lang para sa crypto, kundi para sa sangkatauhan.”
Tungkol sa Trust Wallet Ang Trust Wallet ay ang secure, self-custody Web3 wallet at gateway para sa mga taong nais ganap na pagmamay-ari, kontrolin, at gamitin ang kapangyarihan ng kanilang digital assets. Mula sa mga baguhan hanggang sa mga bihasang user, ginagawang mas madali, mas ligtas, at mas maginhawa ng Trust Wallet para sa milyun-milyong tao sa buong mundo na maranasan ang Web3, mag-access ng dApps nang ligtas, mag-imbak at mag-manage ng kanilang crypto at NFTs, pati na rin bumili, magbenta, at mag-stake ng crypto upang kumita ng rewards — lahat sa isang lugar at walang limitasyon.